
Sunday, May 13, 2007
Little Graduation

Batang bata pa ako

Yan yung mga panahon na maliliit pa kami ng mga pinsan ko, este "ibig kong sabihin pamangkin ko pala"... 'di naman halata na may pamangkin na ako sa edad kong yan. Maaga kasi nag- asawa yung kapatid ko kaya di pa ako pinapanganak sa mundo ay nauna nang isilang sa'kin si Bernie yung nsa kanang larawan na may suot na berde na tsaleko at ako naman yung naka asul na tsaleko at yung katabi ni bernie na babae ay si Whella pamangkin ko rin. Isang taon lang naman tanda skin ni Bernie at kasing edad ko naman si whella. Yung nasa kanang larawan naman na may hawak na stuff toy ay si Hazel kapatid nung dalawa kong pamangkin. Parang barkada na rin ang turingan namin sa isa't-isa.
Sa Luneta Park. . .

Ito yung panahon ng aking kamusmusan.
Mahilig kami maglakwatsa sa kung saan-saang lupalop ng Pilipinas tulad na lang ng Luneta Park. Dito kami madalas mgpunta noon upang maglaro ng luksong tinik at habulan ito lang rin kasi yung lugar na ma-puno at mahalaman noon sa manila kaya dito na lang rin kami madalas mag hang-out.
Walang tulugan

Ang barkada

Ito yung araw na nasa work ako , working overtime... kya ito di ako nakasama sa kanila. Sayang naman kala ko mgkakasama na kami ng buo.
Kakaantok
Hilig ko kasi ang magpalipas ng oras lalo ng pagdating ng alas dose ng gabi, medyo tahimik na kasi sa amin kapag ganung oras. Nakakapagisip ako ng mga gusto kong gawin tulad na lang ng pagsusulat ng tula, magbasa ng tula ng iba. Hilig ko talaga ang gumawa ng tula at magisip ng mga bagay na hindi ko pa nakikita sa tanan ng buhay ko. Kahit nandito lng ako sa Pilipinas iniisip ka na parang nasa ibang bansa na rin ako tulad ng bansang Paris, minsan nga kahit lalabas lang ako ng bahay makita ko lang ang paglubog ng araw parang nasa Venice na ako. Haaay sana nga magkatotoo.
What do you think
Me and my friend jane. . .
Subscribe to:
Posts (Atom)