Sunday, May 13, 2007

Little Graduation



My kinder graduation day, I was tahimik na medyo may pagkamakulit noong maliit pa ako. . . marami rin ang na sisiyahan sa'kin noon dahil nakakatuwa raw ako na bata.


Batang bata pa ako




Yan yung mga panahon na maliliit pa kami ng mga pinsan ko, este "ibig kong sabihin pamangkin ko pala"... 'di naman halata na may pamangkin na ako sa edad kong yan. Maaga kasi nag- asawa yung kapatid ko kaya di pa ako pinapanganak sa mundo ay nauna nang isilang sa'kin si Bernie yung nsa kanang larawan na may suot na berde na tsaleko at ako naman yung naka asul na tsaleko at yung katabi ni bernie na babae ay si Whella pamangkin ko rin. Isang taon lang naman tanda skin ni Bernie at kasing edad ko naman si whella. Yung nasa kanang larawan naman na may hawak na stuff toy ay si Hazel kapatid nung dalawa kong pamangkin. Parang barkada na rin ang turingan namin sa isa't-isa.

Sa Luneta Park. . .




Ito yung panahon ng aking kamusmusan.
Mahilig kami maglakwatsa sa kung saan-saang lupalop ng Pilipinas tulad na lang ng Luneta Park. Dito kami madalas mgpunta noon upang maglaro ng luksong tinik at habulan ito lang rin kasi yung lugar na ma-puno at mahalaman noon sa manila kaya dito na lang rin kami madalas mag hang-out.

Walang tulugan



Birthday ng isa sa barkada namin na si Pong yung may suot na damit na kulay asul. mga tumador kasi itong mga kasama ko kaya hindi pwede na mawala ang alak pagdating ng okasyon na tulad nito. ako yung nakakulay puti, kala nyo di pa ako natutulog noh? Sa totoo lang kagigising ko lang nung oras na yan ako kasi yung madaling malasing sa amin di pa kami nangangalahati ng inuman tulog na ako kaya ito kagigising ko lang at sila ay 'di pa tapos ng inuman. mga tumador talaga. . . Yung walang suot na damit yun yung mastermind yan ang pinakamalakas uminom sa amin 'di naman siguro halata sa tiyan diba. . . pero tingnan mo naman ngayon tulog na sya, sya kasi yung sumasalo rin ng ibang tumatakas sa tagayan. More beer to come. . .

Ang barkada

Sa tuwing magkakaroon ng isang selebrasyon sa aming barkada laging meron na isa sa amin ang hindi nakakasama, minsan si ganito, minsan si ano, ngayon naman ako. Di ko talaga alam kung bakit hindi kami mabuo kapag mga okasyon na tulad nito.

Ito yung araw na nasa work ako , working overtime... kya ito di ako nakasama sa kanila. Sayang naman kala ko mgkakasama na kami ng buo.

Kakaantok

My nalalaman pa kasi akong papuyat-puyat kya yan pag dating ko sa work lagi akong mukhang puyat. . . yan ang naidudulot ng walang magawa sa buhay kundi ang mgpuyat.

Hilig ko kasi ang magpalipas ng oras lalo ng pagdating ng alas dose ng gabi, medyo tahimik na kasi sa amin kapag ganung oras. Nakakapagisip ako ng mga gusto kong gawin tulad na lang ng pagsusulat ng tula, magbasa ng tula ng iba. Hilig ko talaga ang gumawa ng tula at magisip ng mga bagay na hindi ko pa nakikita sa tanan ng buhay ko. Kahit nandito lng ako sa Pilipinas iniisip ka na parang nasa ibang bansa na rin ako tulad ng bansang Paris, minsan nga kahit lalabas lang ako ng bahay makita ko lang ang paglubog ng araw parang nasa Venice na ako. Haaay sana nga magkatotoo.
This is the time I feel worried.
Just woke up early morning I don't know

what's this weird feellings...

Natapos na lang ang buong araw ko ganito pa rin ang nararamdaman ko. Bukas siguro, di na sana ganito pakiramdam ko.